Saturday, September 10, 2011

Awit Pinoy

Ang Awit Pinoy ay isinigawa ng isang organisasyon sa Kolehiyo ng Engineering na nagngangalang "One Voice" o ang choir. Nais nilang ialay ang event na ito sa kaarawan ni Rizal pati na rin ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng isang tula para sa kanyang ina na tutugtugin ng mga iba't ibang mga banda. Naka depende sa mga kalahok kung papaano nila ito tutugtugin sa harap ng madla, mapa alternatibo, rock, jazz, medley, blues at iba pang mga genres. Bibigyan sila ng dalawang kanta para makatugtog, isang sariling kanta at ang pangalawa naman ay yung tula na alay sa ina ni Rizal. Nagkaroon din ng mga iilang maliliit na palaro at "icebreaker" tulad ng raffle, upang punan ang mga blankong parte ng programa. Ginanap ito sa Medicine Auditorium at nag simula ng mga bandang alas tres ng hapon at natapos ng mga alas otso ng gabi. 

Naging isa ito sa mga magagandang paraan upang ipalaganap ang tema o saysay ng Buwan ng Wika. Bakit kamo?
  • Filipino ang ginamit na wika sa mga kantang tinugtog sa programa.
  • Ito rin ang wikang ginamit ng mga MC's.
  • Mas napapayaman ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng paggawa ng mga banda ng kani kanilang sariling pyesa.
  • Tinatangkilik ang wikang sariling atin.
  • Na ang wika ay nagagamit sa lahat ng aspeto ng buhay tulad ng musika, hindi lamang sa komunikasyon.
Sa limang paraan na yan eh napatunayan ng aming grupo na naging epektibo ang event na ito sa pagpapapalaganap ng tema ng Buwan ng Wika. Sa pagtangkilik ng sariling atin hanggang sa pagpapalawig ng ating sariling Wikang Filipino. Hindi dapat natin ikinahihiya ito't gamitin natin palagi pati na rin sa mga programang pormal. Hindi naman por que sinabing pormal ang isang programa ay Ingles na ang kaagad ang gagamitin natin hindi ba? Hindi ba natin maaaring ikonsidera na pormal naman ang Wikang Filipinong Sariling atin?

Pagtuunan naman natin ang mga "keypoints" ng mismong programa. Ating talakayin ang kalakasan at kahinaan nito.

Mga Kahinaan:
  • Hindi Nasunod ang Oras. Nakahanda na saktong alas tres dapat magsisimula ang mga pangbukas na seremonyas o "opening remarks" ngunit mga bandang alas tres imedya na ito nagsimula. Mga Pilipino nga naman, talagang pinaninidigan ang pagka "Filipino Time".
  • Alanganin ang Iskedyul. Hindi siguro dapat ito sisimulan ng mga bandang hapon dahil alam naman nilang matagal ang magiging programa dahil ito ay tugtugan. Inabot ito ng gabi at hindi naman maaaring makapanuod ang karamihan ng mga estudyante ng mga ganung oras dahil marami pa silang gagawin o malayo pa ang kanilang uuwian.
  • Hindi Naipahayag ng Maayos ang Pangyayari. Sa pagkakaalam namin eh "University Wide" ang event na ito ngunit walang masyadong nakadalo. Sa tingin namin ay hindi ito masyadong naikalat, na magkakaroon ng ganitong klase ng programa. Nasayang lang yung ibang upuan dahil hindi naman nagamit at ang dami daming bakante.

Mga Kalakasan:
  • Magandang Pagpapahayag ng Tema. Naging maganda, maayos at kaaya-aya ang ginawang patakaran ng mga tagapagpatupad ng programa. Nakita ang "creativity" at pagiging "artistic" ng mga tagalahok sa kani kanilang mga sariling pamamaraan sa kung paano nila tinugtog sa madla ang pangalawang kanta na Tula ni Rizal para sa kanyang ina. Naipahayak ito sa iba't ibang genre na naitala ko sa unang talaga.
  • Maayos na Pagdaloy ng Programa. Nagawan ng paraan ng mga MC's ang mga parte ng programa kung saan may blanko o "dead air" na sanhi ng paghahanda't pag-aayos ng mga banda bago sila tumugtog. Nagkaroon din ng kaunting palaro na nagpadagdag sa "excitement" tulad ng raffle at iba pa.
  • Pagkakapantay-pantay. Dahil mayroong limang hurado na magdedesisyon kung sino ang mananalo sa huli, mas maiiwasan ang "bias" at mas katiwa-tiwala ang magiging resulta dahil nang galing ito sa mas maraming hurado o tagapakinig. Ito at "self-explanatory".
Buong Programa:

Pagkatapos ng lahat lahat, masasabi naming naging maganda naman ang buong programa dahil sa natural na pagiging "astig" ng mga iba't ibang banda at pati na rin ang mga kanta. Maganda at kaaya-aya ang mga ganitong klase ng programa lalong lalo na ang tema dahil isa itong "munting pagpapaalala" sa ating magiting na bayaning si Rizal at ang kanyang pagmamahal sa Ina. Hindi natin maitatanggi na ang iilan sa atin ay nakakalimot na sa mga bagay na ito. Magandang paraan din ito upang mahasa tayo sa ating sariling wika sa pamamagitan ng paggawa ng kanta at maipapahayag natin ang ating mga saloobin at kuro-kuro sa pamamagitan ng musika tulad ng ginawa ng sariling atin na si Rizal sa kanyang mga sulatin. Palaging tandaan na hindi lamang sa pagsasalita natin maaaring maipahayag ang ating mga damdamin kundi pati na rin sa ibang aspeto ng buhay - tulad na lamang ng musika.

Ilang Mga Litrato:









No comments:

Post a Comment